PROTESTA SA MAY 2019 ELECTIONS LUMOBO  — COMELEC

comelec vote12

(Ni FRANCIS SORIANO)

TINATAYANG nasa 36 election protest na ang natatanggap ng Commission on Elections (Comelec) ilang linggo ang nakararaan matapos ang May 13, 2019 midterm national at local elections.

Ayon Kay Comelec spokesperson James Jimenez, nagsimula ang protesta ng natalong kandidato simula ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato hanggang Miyerkoles ng umaga.

Dagdag pa nito na inaasahan na nila ang ganitong sitwasyon tuwing natatapos ang pagdaos ng halalan.

Sa kasalukuyang ay nasa Electoral Contests Adjudication Department ng Comelec na ang mga reklamong inihain ng mga kandidato na natalo.

Dito ay didingin ng Comelec en banc at binibigyan ng pagkakataong madinig at mapag-aralan mga naihaing reklamo mula sa iba’t ibang partido at indibidwal.

 

168

Related posts

Leave a Comment