PROTESTANG SUPORTA KAY DU30, SA EDSA KAYA MAPUNTA?

HALOS sabay-sabay na ang mga protestang isinasagawa ng mga Pilipino ngayon para ipakita ang kanilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Nagsimulang magprotesta ang mga tagasuporta ni Duterte nang hulihin at basahan siya ng ‘Miranda rights’ ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, Gen. Nicolas Torre habang nasa Villamor Airbase sa Pasay City ang dating Pangulo.

Nauna nang naglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte.

Inabangan ng mga pulis si Duterte paglapag niya sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at agad dinala sa Villamor Airbase ng mga pulis.

Habang nasa Villamor Airbase si Duterte ay binasahan siya ng ‘Miranda rights’ ni Torre.

Nang malaman ito ng mga tagasuporta ni Duterte ay sumugod sila sa paliparan at nagsagawa ng protesta.

Makalipas ang ilang oras ay isinakay si Duterte sa eroplano patungo sa The Hague, Netherlands kung saan matatagpuan ang opisina ng ICC.

Napansin ng nakararaming tao na tila napagkaitan ng karapatang pantao si Duterte.

Maging ang ilang legal counsel ni Duterte ay hindi nakapasok kung saan nandoon ang dating Pangulo.

Mula noon hanggang ngayon ay lalo pang dumarami ang mga protesta bilang suporta nila kay Pangulong Duterte.

Sa Mindanao, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro, Metro Manila at maging sa Ilocos Region na lugar mismo ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., ay nagkaroon na rin ng protesta.

Maging ang dating tahimik na bansa sa The Netherlands ay nakatikim na rin ng protesta.

Kaya hindi malayo na muli na namang malalagay sa history ang Pilipinas.

Dito mapatutunayan na ang pag-aresto kay Digong ay may kinalaman sa pulitika.

Ang protestang ito ay humantong kaya sa ‘people power 4?’

Ngayon dahil panahon ng 2025 Midterm Election, mas marami kaya ang manalong kandidato sa ilalim ng ticket ni PBBM o sa grupo ni FPRRD?

Magiging pabor kaya kay VP Sara Duterte ang nangyaring pagpapaaresto sa tatay niya?

Abangan natin ang mga susunod na pangyayari.

12

Related posts

Leave a Comment