PROTOCOL, TRAFFIC PLAN SA EDSA REHAB KASADO NA

MAY ugnayan na sa pagitan ng mahahalagang transport at traffic agencies para lumikha ng protocols at isang traffic management plan para sa inaasahang pangunahing road works sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isa sa ‘busiest thoroughfares’ ng Kalakhang Maynila.

Sa press briefing ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa Malakanyang, sinabi nito na isinasagawa na ang paghahanda para bawasan ang public inconvenience sa oras na magsimula na ang EDSA rehabilitation sa mid-June.

“I’m sure that there will be some inconvenience to some extent actually because we will be occupying some spaces along EDSA as we do the rehabilitation work,” ayon kay Bonoan.

Ayon pa rin kay Bonoan, sanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) para isapinal ang isang comprehensive traffic scheme, kabilang na ang alternative routes at lane reassignments sa panahon ng construction phase.

“I think MMDA and DOTr are actually having the protocols and the traffic management plan laid out already… They’re looking at what alternate routes are available and how to manage the internal traffic in EDSA during construction,” dagdag na wika nito.

Isa sa mga panukala na kinokonsidera ay pansamantalang paggamit ng bahagi ng Skyway Stage 3 ng mga regular EDSA motorists.

“I think that is one of the propositions of DOTr, to arrange with the concessionaires of the Skyway to allow actually some of the vehicles from EDSA to use Skyway in the meantime that we are undertaking the rehabilitation works,” ang sinabi ni Bonoan.

Nauna rito, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na hihilingin ng Toll Regulatory Board sa San Miguel Corp. na i-waive ang toll sa bahagi ng Skyway sa panahon ng rehabilitasyon ng EDSA.

Idagdag pa rito, na sasaliksikin ng MMDA ang dedicated lane separations upang matiyak ang maayos na traffic flow.

Tinitingnan naman ng gobyerno na tapusin ang first phase ng proyekto sa susunod na taon para sa nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

(CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment