PUBLIC PROJECTS CONTRACTOR DAPAT OBLIGAHING MAGPRESINTA NG LARAWAN NG MGA PROYEKTO

INIREKOMENDA ni Senador Alan Peter Cayetano na obligahin ang mga contractor ng public projects na magbigay ng litrato ng kanilang ginagawang proyekto sa iba’t ibang level of completion.

Ayon kay Cayetano, ito ay bilang praktikal na solusyon laban sa katiwalian at para mapigilan ang tinatawag na “parking” ng pondo.

Una nang hinimok ng senador ang Development Budget Coordinating Committee na imbestigahan kung mayroong sindikato sa likod ng illegal realignment ng bilyun-bilyong pisong pondo sa budget ng DPWH.

Umaasa rin ang senador na iimbestigahan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang isyu.

Sa impormasyon ng mambabatas, inilipat ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga development projects tulad ng flood control, dredging, at asphalt road construction sa mga kanayunan na malayo sa mata ng publiko at mahirap na mapuntahan ng media.

Iginiit ni Cayetano na kailangan gumawa ng mga praktikal na solusyon ang gobyerno para mapigilan ang mga ganitong modus bago pa man mangyari, isolated man ang mga kaso o sabi-sabi lang.(Dang Samson-Garcia)

204

Related posts

Leave a Comment