12 PAGYANIG NAITALA SA BULKANG KANLAON

MULING nagtala ng mga pagyanig sa paligid ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag, iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sinabi ng PHIVOLCS, bukod sa pagyanig ay naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan.

Dahil nananatiling nakataas ang alert level 1, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Inirerekomenda rin ng ahensya ang pagbawal sa pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa peligro.

Ang Bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibo na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental dahil sa nakalipas na pag-aalburoto nito. (PAOLO SANTOS)

193

Related posts

Leave a Comment