HINIMOK ni incoming President Bongbong Marcos Jr., ang publiko na makibahagi sa mga hakbang na makatutulong upang maiwasan ang panibagong surge ng COVID-19.
Kabilang dito ang pagpapaturok ng booster dose laban sa nasabing sakit lalo pa’t muling nakapagtatala ngayon ang Department of Health ng bahagyang pagsipa ng mga kaso sa ilang lugar.
Binigyang diin ni Marcos Jr. na kailangan ng dagdag na proteksyon lalo’t may ilang COVID variants na resistant sa first at second dose ng bakuna.
Ipinaalala rin ng susunod na Pangulo na dapat ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod sa minimum health standards upang hindi na lumobo ang bilang ng infections na makahahadlang sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
