PUGOT NA ULO NATAGPUAN

BULACAN – Isang pugot na ulo ng lalaki ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang irrigation canal sa Barangay Salapungan sa bayan ng San Rafael sa lalawigan.

Ayon sa San Rafael Municipal Police Station, wala pang pagkakakilanlan ang nasabing biktima.

Subalit malaki ang posibilidad na ang ulong pugot ay sa bangkay ng isang lalaking walang ulo na nakitang palutang-lutang noong Lunes ng hapon sa ilalim ng tulay malapit kung saan natagpuan ang ulo.

Natagpuang palutang-lutang ang isang bangkay ng isang lalaking walang ulo sa ilalim ng tulay sa Barangay Salapungan.

Ayon sa ulat ng San Rafael Municipal Police, isang barangay tanod ang nakakita sa bangkay.

Nakasuot ng itim na T-shirt, itim na pantalon, at itim na rubber shoes ang biktima at tinatayang nasa 30 hanggang 40 anyos ang edad at may taas na nasa 170 hanggang 175 cm at katamtaman na pangangatawan.

Nasa punerarya na ang mga labi na na-recover habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

(JESSE KABEL RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment