PUI SA BANSA BUMABA – DOH

INIULAT kahapon ng Department of Health (DOH) na nasa 20 na lang ang persons under investigation (PUI) na inoobserbahan sa iba’t ibang pagamutan sa bansa.

Batay sa datos na inilabas ng DOH mula sa kanilang COVID-19 tracker ay nabatid na mula sa 639 PUIs na nairekord ay 23 na lamang ang patuloy na inoobserbahan sa mga pagamutan.

Pinakamarami pa rin ang nasa NCR na may 10, sumunod ang Central Luzon na may pito. May tig-iisang kaso naman ng PUI sa Western Visayas, Cordillera Administrative Region, Davao Region, Northern Mindanao, Ilocos Region at SOCCSKSARGEN.

Nasa 613 naman ang kabuuang bilang ng PUIs na na-discharge na sa mga ospital matapos magnegatibo sa virus.
Nanatili naman sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa na kinabibilangan ng mga Chinese National na galing Wuhan, sa probinsya ng Hubei, China na siyang epicenter ng nasabing sakit.

Samantala, kinumpirma ng DOH na 15 sa mga na-repatriate galing Japan na nakasailalim ngayon sa quarantine sa Capas, Tarlac ang kinakitaan nila ng respiratory illness.

Pero ayon kay Health Assistant Secretary Vergeire, 14 sa mga ito ang nagnegatibo sa virus at ibinalik na sa NCC upang tapusin ang kanilang 14-day quarantine bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang lalawigan. DAHLIA S. ANIN

141

Related posts

Leave a Comment