PULIDONG TRABAHO PAALALA SA OP EMPLOYEES

PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tauhan ng Office of the President (OP) kaugnay sa kahalagahan ng kanilang trabaho sa ordinaryong mamamayan.

Nananawagan ang Pangulo sa mga ito na mas paghusayin pa ang serbisyo sa publiko.

“We are reminded of the fact that the Office of the President is a 127-year old institution. And [it] is important to remember this because we have to, once in a while take a step back, take a breath and remember how important the work that we do,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang flag-raising ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng OP.

“And what a great responsibility has been given us by our people. And it is a responsibility that we must fulfill, it must be a responsibility that we must do so as to make our people proud of us,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Kung wala ang trabaho ng OP, mas hihina ang liderato ng buong bansa, ayon sa Pangulo sabay sabing ang policy directions na itinakda ngayon ng tanggapan ay mararamdaman matapos ang ilang taon.

Kaya nga, dapat lamang na gawin ng mga tauhan ng OP ang kanilang trabaho nang tama dahil umaasa ang mga tao sa kanila dahil napagtanto ng mga ito ang kanilang kahalagahan.

“Sometimes because of the volume of the work, sa dami ng trabaho ay hindi natin naiisip na— basta trabaho lang. Ngunit ang katotohanan diyan, bawat isang proyekto, bawat isang desisyon, bawat isang implementasyon ng polisiya ay nararamdaman ng buong Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

“Kaya’t kailangan na kailangan na ipagbuti natin ang ating mga trabaho. Kailangan natin ipagbuti at lagi natin maalala ang ating pagmamahal sa bansang Pilipinas at sa ating mga kapwang Pilipino,”aniya pa rin.

Itinatag ang OP noong Marso 22, 1897, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 322, s. 1997, in-adopt ang posisyon ng National Historical Institute Board.

(CHRISTIAN DALE)

197

Related posts

Leave a Comment