PULIS, 1 PA NATIKLO NG PDEA SA P3.4-M SHABU

UMABOT sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,400,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang aktibong pulis at kasama nito sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA RO-NCR noong Huwebes ng hapon sa Caloocan City.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO-NCR, Northern District, sa panulukan ng Zabarte Road at Camarin Road, Brgy. 172, Caloocan City na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.

Batay sa report ng mga operatiba kay RO-NCR Regional Director Christian O. Frivaldo, sa ilalim ng direktiba ni Director General Wilkins M. Villanueva, kinilala ang naarestong pulis na si P/Cpl.  Mark Jefferson Lopez y Ramos, 30, nakatira sa Samson Road, Caloocan City.

Habang kinilala naman ang arestadong umano’y kasabwat nito na si

John Raster Jaie Mumoz, ng Bagong Silang ng nasabi ring lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang baril na Glock 17 na may PNP Serial No. 2102; isang pistol magazine; 19 piraso ng 9mm live ammunition; isang PNP identification card; isang unit ng Oppo mobile phone; isang unit ng Infinix mobile phone; tatlong nakabuhol na transparent na plastic bag na ang bawat isa ay naglalaman ng puting mala-kristal na substance; ilang bundle ng pekeng pera, Caloocan City vaccination card, at isa pang unit ng Iphone6 ​​mobile phone.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Art.  II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (LILY REYES)

128

Related posts

Leave a Comment