PULIS GAGAMIT NA NG BODY CAM NGAYONG ABRIL

KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon.

Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police raids.

“The body cams are there already. Training is ongoing and we expect these body cams to be used by April to erase doubts that the public may have on what really happens during police operations and when somebody dies in those operations,” ayon kay Sec. Roque.

“Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” dagdag na pahayag nito.

Ang pagtiyak na ito ni Sec. Roque ay sa gitna ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Justice Department sa pagkamatay ng 9 na aktibista sa Calabarzon Region sa isinagawang police operations noong nakaraang Linggo.

Ang police operations ay isinagawa para isilbi ang search warrants para sa explosives at iba pang nakamamatay na armas.

Samantala, umapela naman ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista.

Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa 9 na aktibista at ang di umano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.

“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ani Sec. Roque.

“We are undertaking and discharging the state obligation to investigate prosecute and punish,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

86

Related posts

Leave a Comment