TINANGGAL na sa serbisyo ang isang pulis-Maynila matapos mapatunayang sangkot sa kasong panggagahasa.
Batay sa desisyon ng National Police Commission (NAPOLCOM), napatunayang guilty si Patrolman Mendoza sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.
Ayon sa komisyon, malinaw na paglabag sa batas at moralidad ang ginawa ng pulis, kaya’t hindi na siya karapat-dapat manatili sa serbisyo.
Pinagtibay ng NAPOLCOM ang desisyon base sa CCTV footage, testimonya ng saksi, medico-legal findings, at salaysay ng biktima.
“Walang puwang sa serbisyo ang ganitong uri ng karahasan,” diin ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan.
Samantala, pinawalang-sala ang isa pang pulis na nadawit sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nag-ugat ang reklamo sa salaysay ng biktimang kinilalang “Anna,” na nagsabing nawalan siya ng malay matapos painumin at nagising na lamang sa loob ng motel habang inaabuso.
(JESSE RUIZ)
80 