PULIS NA SANGKOT SA PAMAMASLANG SA BARANGAY KAGAWAD AT KINAKASAMA, IPINASISIBAK NI PNP CHIEF NARTATEZ

ILOCOS NORTE — Ipinag-utos mismo ni PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang agarang pagsibak sa isang police corporal na sangkot sa pagpatay sa barangay kagawad at live-in partner nito sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Ayon kay Nartatez, sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang suspek na pulis, na ngayon ay hawak na ng mga awtoridad matapos ang ikinasang follow-up operation.

Batay sa imbestigasyon, kumakain umano sa beranda ng kanilang bahay ang biktimang si Joshua Bernardo, barangay kagawad, at ang kanyang kinakasama na si Eloisa Pagaduan Bonilla, nang bigla silang ratratin ng riding-in-tandem.

Dead on the spot si Bernardo, habang si Bonilla ay nasugatan at naisugod pa sa ospital, ngunit kalauna’y idinaklarang dead on arrival.

Kalaunan ay natukoy na ang suspek ay miyembro ng Tourist Police Unit ng Ilocos Norte Provincial Police Office.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Nartatez sa pamilya ng mga biktima, at tiniyak na hindi palalampasin ng PNP ang krimen at sisiguraduhing makakamit ng mga naulila ang hustisya.

(TOTO NABAJA)

7

Related posts

Leave a Comment