INOOBSERBAHAN sa PNP General Hospital ang isang pulis dahil sa pagkawala ng dugo makaraang saksakin ng kapwa restricted police nitong Martes ng umaga.
Ayon sa ulat, habang nag-aalmusal ang ilang personnel ay bigla na lamang bumunot ng kutsilyo si PSMS Michael Camillo at inundayan ng saksak si PEMS Eric Castro nang tinangkang pigilan ito sa loob ng Anti-Organized Crime Unit ng CIDG sa Camp Crame.
Kaagad namang isinugod ang biktima sa Philippine National Police General Hospital sa loob ng Camp Crame.
Sina Camillo at Castro ay kabilang sa mga sinibak at iniimbestigahan kaugnay ng pagnanakaw umano ng P13 milyong halaga ng pera sa isang POGO raid sa Bataan.
Bago ang insidente, iniulat ng duty officer ang biglaang pagbabago ng asal ni Camillo.
(TOTO NABAJA)
2
