PATAY ang isang limang taong gulang na kindergarten pupil matapos tamaan ng ligaw na bala habang nasa loob ng kanilang classroom kahapon ng umaga sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Ayon kay Capt. Steffi Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), dead on the spot ang biktima na si Farhadin Ludia, 5, residente ng Datu Salibo nang tamaan ng bala habang nagkaklase sa Damabalas Elementary School.
Sa salaysay ni Babylonia Biao, class adviser, bandang alas-8:40 ng umaga nang bigla na lamang bumagsak ang biktima. Nang kanyang lapitan, nakita umano niyang duguan ito at may tama ng bala.
Hinihinala ng PRO-BAR na posibleng may kaugnayan ang insidente sa palitan ng putok ng dalawang armadong grupo sa Barangay Olandang, Nabalawag, na sakop ng Special Geographic Area ng Bangsamoro region.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.
(JESSE RUIZ)
3
