PUSO SA SERBISYO: MAYOR GATCHALIAN SUPORTADO SENATORIAL BID NI CAMILLE VILLAR

NAKAKUHA ng suporta si Camille Villar sa kanyang senatorial bid mula kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa kanyang pagbisita sa lungsod noong Lunes ng umaga.

Sa pag-endorso sa senatorial bid ni Camille Villar, binanggit ni Gatchalian na ang mga kabataan ay naging mga pinagkakatiwalaang lider ng henerasyong ito, na ginagawang mas inklusibo, at dinamiko ang serbisyo publiko sa gitna ng pagbabago ng panahon.

“Hindi hadlang ang edad para makapaglingkod tayo kahit sa matataas na puwesto sa gobyerno.

Bago ang mga ito (mga puwesto) ay nakalaan sa kakaunti lang, pero ngayon, kahit sa Kongreso, kahit sa gabinete at ngayon maging sa Senado, nandiyan na ang mga nakababatang henerasyon,” sabi ni Gatchalian sa kanyang pananalita sa flag raising ceremony sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Binanggit din ni Gatchalian ang kahanga-hangang background ni Camille Villar sa serbisyo publiko, kung saan pareho silang nagtrabaho sa House of Representatives at pareho silang nagsilbi sa 18th Congress.

“If give the chance to serve at the Senate, I believe she can continue to put forward the welfare of our youth and entrepreneurs. Age is not a hindrance when you do public service, what is important is the heart to serve. And we have seen that (trait) in the Villars in terms of public service,” ani Gatchalian, na nagmula sa batang henerasyon ng mga lider tulad nina Social Welfare Sec. Rex Gatchalian at Sen. Sherwin Gatchalian.

Sa pagtugon sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, muling binigyang-diin ni Camille Villar ang kahalagahan ng edukasyon at kung paano nakatutulong ang isang edukadong populasyon sa paglago ng bansa.

Sumasang-ayon si Villar kay Mayor Gatchalian na panahon na para gampanan ng mga kabataan ang kanilang tungkulin sa pamamahala.

“Kung kailangan nating sumulong, sa ating edad, mag-aaral man tayo, Gen-Z, Gen X o Millenials, panahon na para tayo ay makilahok sa paghahanap ng mga solusyon para sa (mga hamon) ng ating bansa,” ani Camille.

“Madali lang para sa atin na mag-observe, at magbigay ng ating mga saloobin sa kung ano ang dapat gawin. Pero sa totoo lang, para umunlad ang ating bansa, dapat tayong lahat — bata man o matanda— gawin ang ating bahagi para sa ating bansa… at maging bahagi ng solusyon,” sabi pa ni Villar.

Nagpasalamat din si Camille Villar kay Mayor Wes Gatchalian, PLV President Nedeña Torralba, Pastor Robert Reyes, mga opisyal ng lungsod at paaralan sa mainit na pagtanggap.

(Danny Bacolod)

41

Related posts

Leave a Comment