MGA NASA LIKOD NG PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS NA NANINIRA SA MGA PARTY-LIST NOMINEE, PANANAGUTIN NG PNP

HAHABULIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga indibidwal na nasa likod ng pananakot, pagpapakalat ng black propaganda, at paninira sa mga kandidato gamit ang social media platforms.

Pahayag ito ni PNP Anti-Cybercrime Group Chief Brig. Gen. Bernard Yang matapos maghain ng reklamo si ATeacher party-list nominee Virginia Rodriguez laban sa ilang indibidwal na gumagamit ng pekeng Facebook at Tiktok accounts para siya ay siraan maging ang kinabibilangan niyang Party-list group.

Sinabi ng PNP na malaki ang epekto ng ganitong mga aktibidad sa electoral process ng bansa kaya dapat itong agad maaksyunan para mapangalagaan ang integridad ng democratic system.

“By addressing these issues head-on, we can foster a safer and more respectful online environment that upholds the values of democracy. Taking a firm stance against these harmful practices is essential for safeguarding the integrity of our democratic system,” ayon kay Yang.

Tiniyak naman ni P/Col. Andres O. Simbajon Jr., Deputy Director for Administration, Anti-cybercrime Group-PNP na sisiguruhin nila ang pagpapatupad ng batas para maawat ang mga malisyosong hakbang. Kaugnay nito, nagbabala ang mga abogado at supporters ng ATeacher party-list sa mga nasa likod ng malisyosong pag-atake kay Rodriguez dahil tukoy na kung sino-sino ang mga sangkot sa aktibidad.

Natukoy ang mga nasa likod ng pag-atake matapos ang panayam sa isa ring nominee ng ATeacher na si dating Rep. Julieta Fortuna na nakatanggap ng mga akusasyon na mistulang pag-atake sa kanyang karakter.

Nangunguna ngayon ang ATeacher party-list sa mga latest na survey kaya posibleng ito ang rason kaya inaatake ito sa social media gamit ang pekeng Facebook accounts.

Ayon sa abogado ng ATeacher, may sapat silang ebidensya laban sa mga nasa likod ng smear campaign. Sa pamamagitan ng pagsasampa ng reklamo, inaasahang masosolusyonan din ang paglaganap ng fake news o misinformation online.

48

Related posts

Leave a Comment