PUV DRIVERS BIGYAN NG P5/LITER FUEL DISCOUNT – LTFRB

jeep

UMAPELA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board

(LTFRB) sa mga kumpanya ng langis na  bigyan ng P5.00 discount ang PUV drivers kasabay ng sunud-sunod na pagtaas  ng presyo ng mga produkto ng langis sa bansa.

“We learned that the fuel discount varies from P1-P3 per liter. Ang hiling natin, through the DOE (Department of Energy), na manatili itong discount na ito at kung pwede ngang maitaas up to P5 per liter…at specific for public transport,” ito ang apela ni  LTFRB chairman Martin Delgra sa government briefing nitong Sabado.

Ayon pa kay  Delgra,  nakipag-koordinasyon na sila sa Department of Energy (DOE) upang impormahan ang mga kumpanya ng langis sa kanilang apela.

Matatandaang  magkakasunod ang nangyaring pagtaas ng mga produktong petrolyo sa loob ng siyam na linggo.

Kaugnay nito ay mamimigay  naman ang pamahalaan ng P1 bilyong subsidiya sa mga kwalipikadong public utility jeepney drivers pati na rin ang paunti-unting pagdadagdag ng kapasidad ng mga pasahero simula sa November 4, para mabawasan umano ang epekto ng mas mataas na gastos sa gasolina.

132

Related posts

Leave a Comment