PWD TSINAPTSAP, SINUNOG; LIVE-IN PARTNERS ARESTADO

BATANGAS – Inaresto ng mga awtoridad ang mag-live in partner na itinuturong suspek sa brutal na pagpaslang sa isang 33-anyos na babaeng PWD sa Barangay Barualte, sa bayan ng San Juan sa lalawigan.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles nang damputin ng mga tauhan ng San Juan Municipal Police Station ang mga suspek na sina Archangel Armamento Patal, 45-anyos, at Teodora, 53-anyos.

Matatandaang dakong alas-11:00 noong Lunes ng gabi, ang mag-partner ang nag-report sa barangay officials na may nakita umano silang mga sunog na bahagi ng katawan ng hindi nila kilalang tao, na nakasama sa kanilang inuuling na kahoy.

Ngunit lumabas sa imbestigasyon na ang biktima ay si Mary Jane Gabia Delos Reyes, 33-anyos, isang dalagang inang PWD.

Positibong kinilala ng kanyang kapatid na lalaki ang biktima na sinasabing brutal na tsinaptsap ng dalawang suspek at sinunog ang mga bahagi ng katawan.

Isa sa tinitingnang motibo ng pulisya ang hindi sinasadyang pagkakasaksi umano ni De los Reyes sa pamamaril ng isa sa mga suspek sa isang kaalitan sa kanilang barangay.

Nakakulong na ang mag-live in partner sa San Juan Police Station locked-up cell, at nahaharap sa kasong murder. (NILOU DEL CARMEN)

56

Related posts

Leave a Comment