Pwersahan na sa mga pasaway 1M KATAO INILIKAS SA HAGUPIT NG ST UWAN

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga residenteng ayaw lumikas sa high-risk areas, kasabay ng utos sa Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang pwersahang pagpapalikas kung kinakailangan.

Sa inilabas na gabay ng DILG hinggil sa Forced Evacuation and Handling of Residents Refusing to Leave High-Risk Areas, binigyang-diin ng kagawaran na may batas na nagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na opisyal at pulis na magsagawa ng mandatory evacuation para sa kaligtasan ng publiko.

Ito’y habang naghahanda ang bansa sa Super Typhoon Uwan (international name: Fung-Wong) na inaasahang magdudulot ng matinding pagbaha at landslide sa ilang rehiyon.

Ayon sa DILG, mahigit 17,000 barangay sa buong bansa ang tinukoy na nasa peligro ng pagbaha at pagguho ng lupa. Batay sa datos ng DENR–Mines and Geosciences Bureau (MGB), libu-libong barangay ang moderately to highly susceptible sa flooding at rain-induced landslides.

Kahapon, umabot na sa higit isang milyong katao ang nailikas sa mas ligtas na lugar, kabilang ang 270,682 pamilya o 916,863 indibidwal, ayon kay Office of the Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Rafaelito Alejandro IV.

Pinaalalahanan ng DILG at PNP ang lahat ng local government units (LGUs) at police personnel na “top priority ang pagliligtas ng buhay.”

“During preemptive or forced evacuations, local officials must lead with both firmness and compassion. If residents still refuse despite repeated warnings and imminent danger, LGUs and the PNP are authorized to enforce mandatory evacuation in accordance with Republic Act No. 10121 and the Local Government Code. Actions must be done peacefully, respectfully, and with proper documentation,” ayon sa paalala ng DILG.

(JESSE RUIZ)

65

Related posts

Leave a Comment