OMBUDSMAN NAKURYENTE SA ARREST ORDER VS BATO

TILA nakuryente ang Ombudsman matapos linawin ng Department of Justice (DOJ) na wala pa itong natatanggap na kopya ng umano’y warrant of arrest laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa gitna ng mga kumakalat na ulat, sinabi ni Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng DOJ, na wala pa silang kumpirmasyon hinggil sa sinasabing kautusan ng ICC.

“As of this hour, we are currently working to verify this information. We have also not yet seen or received a copy of said arrest warrant. We shall provide further details as soon as it becomes available,” ani Martinez sa opisyal na pahayag.

Ang pahayag ng DOJ ay taliwas sa naunang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, na naglabas na raw ng arrest warrant ang ICC laban kay Dela Rosa, base umano sa impormasyon na ibinahagi sa kanya ni Justice OIC Secretary Fredderick Vida.

Samantala, hinamon ng Makabayan bloc ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipatupad ang arrest warrant ng ICC laban kay Dela Rosa sakaling mapatunayang totoo ito.

“Hindi dapat manatiling malaya ang mga utak at tagapagpatupad ng madugong drug war. Mahaba ang listahan ng mga pamilya ng biktima na naghahangad ng hustisya. Dapat managot si Bato Dela Rosa at ang lahat ng sangkot,” ani ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.

Ayon naman kay Kabataan party-list Rep. Renee Co, hindi dapat bigyan ng special treatment si Dela Rosa at dapat itong isuko sa ICC sa lalong madaling panahon upang mapanagot sa malawakang patayan sa war on drugs

Para naman kay Gabriela party-list Rep. Sarah Elado, panahon na upang magkaisa ang sambayanang Pilipino sa pagkilos para mapanagot ang lahat ng sangkot sa madugong kampanya kontra droga.

(JULIET PACOT/BERNARD TAGUINOD)

74

Related posts

Leave a Comment