PUWESTO NI CARDEMA NAKADEPENDE KAY DU30

cardema12

(NI BETH JULIAN)

TANGING si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang makapagpapasya kung bibigyan ng puwesto sa gobyerno si Duterte Youth Party President Ronald Cardema.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kahihinatnan ng kapalaran ni Cardema sakaling tuluyan nang magpasya ang Commission on Elections (Comelec) laban sa kanyang disqualification case.

Ayon kay Panelo, hindi niya masasabi kung may alok na puwesto ang Pangulo kay Cardema.

Samantala, iginiit ni Panelo na bahala na ang Comelec na magpasya sa kasong disqualification kay Cardema.

Iginiit ni Panelo na kailanman ay hindi nakikialam ang Pangulo sa trabaho ng hiwalay na sangay at constitutional body tulad ng Comelec.

Ayon kay Panelo, kung sa tingin ni Cardema ay may nilabag si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay marapat na lamang itong maghain ng kaukulang kaso.

Inaakusahan ni Cardema si Guanzon na umano ay humingi ng pabor sa kanyan noon na maitalaga ito sa Regional Trial Court o sa puwesto sa gobyerno at ang magiging kapalit umano ay ang akreditasyon ng Duterte Youth para sa nagdaang 2019 elections.

187

Related posts

Leave a Comment