NAKAPAGTALA ng 11 bagong kaso ng pagkamatay sa COVID-19 ang Quezon City.
Ayon sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin para sa Agosto 27, may naitalang 11 bagong kaso ng pagkamatay sa coronavirus ang lungsod. Ito ay nagresulta ng kabuuang bilang ng pagkamatay sa siyudad sa 416.
Nabatid hanggang noong Agosto 27, ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay 10, 736.
May karagdagang 332 kaso na naidagdag sa 10,404 naiulat na mga kaso noong Agusto 26 na nagdala ng kabuuang bilang na 10,736. Ang active COVID-19 cases sa siyudad ay nasa 2,178.
Sa nasabi ring petsa ay may naiulat na 701 bagong gumaling na nagresulta ng kabulang bilang ng recoveries sa 8,142.
Kaugnay nito, nananatili namang nasa special concern lockdown ang mga area ng #950 Interior, Aurora Blvd. sa Mangga; #17 Isarog St. sa Sta. Teresita; #11 Castilla St. sa Valencia; #55 Serrano Laktaw sa Doña Aurora; #68 Iriga St. sa San Isidro Labrador; #26 Simoun St., sa San Isidro Labrador; #31 Zamboanga St., sa Nayong Kaunlaran at #5 Col. Salgado sa West Kamias.
Ang mga lugar na ito ay may mga matataas at kumpol ng mga kaso ng COVID-19. (JOEL O. AMONGO)
192 