QC PRIDE PH FESTIVAL PINAKAMALAKI SA ASYA

ITINURING na isang record-breaking crowd na umabot ng 110,752 LGBTQIA+ members at allies, ang nakiisa sa Pride PH Festival na isinagawa sa Quezon Memorial Circle (QMC) kamakalawa.
Ang day-long Lovelaban Festival, na bahagi ng month-long celebration ng Pride Month sa lungsod, ay apat na beses mas malaki sa nakaraang taon na may 25,000 participants.

Ngayong taon, ang festival figures ay hinango mula sa foot traffic data na ibinigay ng QMC administration, base sa bilang ng lahat ng entrance gates ng QMC.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, equality champion at vocal ally ng LGBTQIA+ community, ang Grand Pride Festival sa QC ay hindi lamang selebrasyon kundi isa ring protesta.

“Ipinapakita natin ang ating suporta sa sigaw na wakasan ang iba’t ibang uri ng abuso at diskriminasyon. At higit sa lahat, binibigyang-diin natin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay at pagsisiguro sa kaligtasan ng bawat isa, anoman ang kasarian,” ani Mayor Belmonte.

Ang Pride PH ay nagpahayag ng pagpapahalaga para sa labis na suporta at pinahabang pagmamahal ng LGBTQIA+ community at allies.

“Galing sa 25K attendees sa unang taon namin last year, mahigit 100k ang nakisaya sa amin ngayong taon. This is a solid signifier of our growing courage and strength as a community together with our allies. Hindi na kami takot to be seen and heard. Kasi alam natin lahat that what we fight and stand for is fundamental — to live a life free from prejudice and discrimination,” ayon kay Pride PH convenor Mela Habijan.

Simula Hunyo 1, ang QC government ay nagsagawa ng Pride-related activities para umalingawngaw ang panawagan ng LGBTQIA+ communities para sa pagkakapantay-pantay at pagpasa ng SOGIE Bill sa Pilipinas.

Kauna-unahan sa bansa, ang QC government din ay naglunsad kamakalawa ng “Right to Care Card” na magbibigay ng kapangyarihan sa mga kakaibang mag-asawa para gumawa ng medical decisions para sa kanilang life partners.

Gumagana ang card sa ilalim ng isang ‘special power of attorney’ at dapat muna maging balido sa tatlong ospital ng siyudad.

Ang city government ay magbibigay rin ng free HIV testing para sa festival guests na aabot ng 1,500 individuals ang nasuri.

Maging ang mental health consultations at medical check-ups ay kasama rin sa mga isinagawa.

Ang whole-day celebration ay nagsimula dakong alas-10:00 ng umaga sa Pride Expo at bazaar na kung saan ay tinatayang nasa 100 booths ang inilagay ng iba’t ibang organizations, sponsors, partners, food merchants at LGBTQIA+ businesses.

Ang Pride March naman ay isinagawa sa hapon na dinaluhan ng libu-libo mula sa community, allies, government at non-government organizations, private businesses, ambassadors at kinatawan mula sa diplomatic community.

Ang martsa ay nagsimula sa QMC, at tinungo ang East Avenue, V. Luna Road, at Kalayaan Avenue.

Ang Pride Night naman ay sa pamamagitan ng song and dance performances ng iba’t ibang LGBTQIA+ artists, drag queens, at celebrities.
Daan-daang mga pulis, traffic personnel, at public and order safety marshals ang mga itinalaga para tumulong sa festival goers at magmando sa traffic papasok at palibot sa Quezon Memorial Circle.

Ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine Red Cross QC Chapter ay nagtalaga rin ng isang medical team, habang ang Barangays Central at Vasra ay nagbigay ng mga tauhan at logistical support.

(JOEL O. AMONGO)

232

Related posts

Leave a Comment