MASIGLA na naman ang sports sa bansa, lalo ang billiard at patunay nito ang pag-arangkada ng Professional 10-Ball at Amateur 9-Ball tournament sa Quezon City.
Nagsimula noong Mayo 26, ginaganap ang Professional 10-Ball at Amateur 9-Ball sa Hard Times sa Timog Avenue, at Sharks Pool and Billiard Hall sa panulukan ng Sgt. Esguerra at Scout Bayoran, Brgy. Sacred Heart, 1pm tuwing Linggo at Miyerkoles at 6pm Lunes at Linggo.
Ayon kay Hadley Mariano, may-ari ng Sharks Pool and Billiard Hall, layon niya at ng QC government na makatuklas ng magagaling na billiard players na maaaring magrepresenta sa bansa sa iba’t ibang international competitions. (JOEL O. AMONGO)
