UAAP MVP DIDRIBOL SA 3×3 THAI LEAGUE

PANGUNGUNAHAN ni UAAP MVP Allana Lim ang isa sa apat na koponan na magre­representa sa Pilipinas sa 3×3 Basketball Thai Super League 2022 simula Hunyo 1 hanggang 5 sa Ayutthaya District.

Si Lim ay maglalaro para sa Discovery Perlas kasama sina Ford Grajales, Misaela Larosa at Hazelle Yam.

Sinabi ni Discovery head coach Haydee Ong, sabik na ang buong team na mag-compete makaraan ang mahigit dalawang taon na walang torneo dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang Perlas ay kasama sa Pool B na binubuo ng Shoot it Dragons at Srircha Eagle ng Thailand, at Malaysia Rising Star.

Sasabak din ang Uratex Dream, ang no. 1 women’s 3×3 squad sa bansa na binubuo nina Fiilipina no. 1 at no. 2-ranked FIBA 3×3 players Kaye Pingol at Kristina Deacon. Makaka­sama nila sina Alyssa Villamor at ­Eunique Chan.

Kabilang ang Uratex sa Pool A kasama ang NK Bangkok Club ng Thailand, Jumpshot ng Singapore, at Luang Prabang ng Laos.

Sa men’s division, ang Pretty Huge Basketball ang ikatlong team ng Pilipinas na kinabibilangan nina ex-pro Jay ­Washington, Marcus Hammonds, Raffy Verano at Trevis Jackson. Makakasagupa nila sa Pool B ang Srircha Eagle ng Thailand, Saitama Alphas ng Japan, Luang Prabang ng Laos, Hi-Tech Titans ng Thailand, at Malaysia Rising Star.

Ang ikaapat na koponan ng bansa ay ang Zamboanga Valientes nina Juan Gomez de ­Liano, Jeff Bernardo, Reed Jun­tilla, Philip Job Alcantara at Jerome Ferre

r.
Sasabak sila sa Pool A kontra Sniper X ng Thailand, Tokyo Dime ng Japan, Team Busy ng Singapore, Shoot it Dragons ng Thailand, at KAGA Basketball ng Indonesia. (ANN ENCARNACION)

329

Related posts

Leave a Comment