RAPE SUSPECT SA REGION 5, NABITAG SA QC

ARESTADO ang isang 30-anyos na tinaguriang no. 2 most wanted person ng Region 5, noong Lunes ng hapon sa Brgy. Manresa, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Rey Timana y Cabiles, alyas “Dadeng”, 30, binata, ng Canumay West, Valenzuela City, naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District bandang alas-3:30 noong Lunes ng hapon sa Ragang St., Brgy. Manresa, Quezon City.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng isang search warrant na ipinalabas ni Judge Pedro Redona ng RTC Branch 63, 5th Judicial Region, Calabanga, Camarines Sur, sa kasong rape.

Ayon sa QCPD, ang suspek na nakapiit sa himpilan ng Masambong Police Station 2 ng QCPD, ay nakatakdang dalhin sa Calabanga, Camarines Sur kasabay ng pagbabalik ng search warrant. (LILY REYES)

142

Related posts

Leave a Comment