RAPE VICTIM SA KANAL, PATAY NA

rape

GEN. SANTOS City – Nalagutan na ng hininga ang isang 16-anyos na dalagitang natagpuang sugatan sa kanal makaraang gahasain kamakailan ng hindi kilalang suspek, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito.

Namatay dakong alas-8:00 ng umaga nitong Biyernes habang ginagamot sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang biktimang si alyas Charina, residente ng Barangay Labangal sa nasabing lungsod.

Nauna rito, natagpuan ang biktimang may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa isang kanal sa Brgy. Baluan.

Sinasabing ginahasa ang biktima saka pinagpapalo ng matigas na bagay sa ulo at katawan.

Ayon sa pulisya, mayroon na silang “persons of interest” ngunit hindi muna pinangalanan habang iniimbestigahan ang insidente. (ANNIE PINEDA)

115

Related posts

Leave a Comment