RECRUITMENT NG NPA SA MGA PAARALAN TUTUTUKAN NG PNP

TINIYAK kahapon ni PNP chief General Nicolas Torre lll, na kanilang tututukan ang patuloy na recruitment ng New People’s Army (NPA) sa mga paaralan.

Ayon kay Torre, ito ang kanilang napag-usapan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa kanilang pulong.

Tinawag ni Torre na bulok ang ideolohiya ng NPA na pilit nilang ipinakakalat. Dahil ang mga bata ay madaling turuan, sinasamantala naman ng mga ito.

Target ng PNP na paigtingin ang awareness campaign laban sa NPA para hindi na makapanlinlang ng mga estudyante.

Paiigtingin din ang seguridad sa bisinidad ng mga paaralan.

Sa impormasyon ng PNP, dinadala ang mga kabataan sa bundok matapos maimpluwensyahan at sasanayin na makipagbarilan hanggang sa mapatay sa engkwentro sa security forces ng pamahalaan.

(TOTO NABAJA)

48

Related posts

Leave a Comment