RECTO BANTAY-SARADO VS FAKE VACCINATION CARDS

BANTAY-SARADO ang mga tauhan ng Manila Police District sa Claro M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Manila laban sa posibleng pagpeke ng vaccination cards.

Kaugnay nito, nagbabala si P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD PS-3, sa mga taong gumagawa ng pekeng vaccination cards na pananagutin sa batas ang mga ito kapag nahuli.

Ito ay dahil sa pangambang kumalat ang pekeng vaccination cards na maaaring gamitin sa pamamasyal ng mga indibidwal na hindi pa bakunado o ayaw magpabakuna.

Nanawagan din si Lt. Guiagui sa mga lokal na pamahalaan na mag-isyu ng lehitimo at maayos na vaccination cards.

Sa ngayon ay wala pang nahuhuli o nakukuhang impormasyon kaugnay sa paggawa ng pekeng vaccination cards sa lugar. (RENE CRISOSTOMO)

97

Related posts

Leave a Comment