Resignation ‘di irrevocable – Spox Roque PAAWA EPEK NI MAGALONG BUKING

MISTULANG inilaglag ni Presidential spokesperson Harry Roque si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang ibuking nito na hindi binanggit ang salitang ‘irrevocable’ sa liham-pagbibitiw ng contact tracing czar.

“Unang-una po nung nagsumite ng letter si Mayor Magalong wala pong nakasulat doon na it is irrevocable so kaya nga po ang sinabi namin it is subject to acceptance at hindi naman po tinanggap ng NTF at dun na po tayo tumigil doon,” ani Sec. Roque.

“Sa tingin ko naman mahimasmasan lang si Mayor Magalong ay ipagpapatuloy niya dahil wala po talaga tayong mahahanap na kapalit ni Mayor Magaong dahil siya po talaga ang naging awtor ng ating contact tracing formula,” dagdag na pahayag ng kalihim.

Nag-ugat ang pagbibitiw ni Magalong sa pagdalo nito sa isang party kung saan may mga nangyari umanong paglabag sa safety protocols.

Upang mapahupa ang galit at batikos ng publiko, nag-anunsyo ng pagbibitiw si Magalong kaya umani rin ito ng paghanga sa ilan habang marami rin ang nagduda sa katotohanan ng kanyang aksyon. (CHRISTIAN DALE)

142

Related posts

Leave a Comment