Ressa ‘di na natuto, kasong libelo namumuro RAPPLER FAKE NEWS, PATULOY

TAHASANG binatikos ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos II ang Rappler sa paglalabas ng balita tungkol sa pagkuha ng dating mambabatas sa serbisyo ng Cambridge Analytica.

Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez, idiniin ni Marcos na peke ang balita ng Rappler.

Kamakailan, napatunayan ng isang judge sa Manila Regional Trial Court (Manila – RTC) na nakagawa ng krimen tungkol sa cyber libel ang executive editor ng Rappler na si Maria Ressa at dating reporter nito na si Reynaldo Santos Jr. hinggil sa malisyosong artikulo laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Maraming inilabas ang Rappler na mga krimeng posibleng kinasangkutan umano ni Keng, subalit walang nailabas sina Ressa at Santos kahit isang batayan na magpapatunay sa mga akusasyon nito laban kay Keng.

Hinatulan ng pagkabilanggo mula anim na buwan hanggang anim na taon sina Ressa at Santos.

Inapela nila ang kaso.

Ngayon naman ay naglabas ang Rappler ng balitang kinuha umano ni Marcos ang serbisyo ng Cambridge Analytica.

Ang istoryang ito sa online platform ng Rappler nitong Hulyo 15 “is patently fake, false and misleading,” birada ni Rodriguez.

Idiniin ni Rodriguez na: “Former Senator Marcos never reached out to them and lke most of us, was only made aware of Cambridge Analytica’s existence through reports of its controversial activities in the media.”

Aniya, walang ibang layunin ang Rappler kundi wasakin ang reputasyon at pangalan ni BBM, isa pang palayaw ni Marcos, at ng pamilya Marcos.

“Rappler has not learned anything from the recent libel conviction of one of its founders Maria Ressa,” diin ni Rodriguez.

Nang mapatunayan ni Manila – RTC JudgeRainelda Estacio-Montesa na nilabag nina Ressa at Santos ang mga probisyon hinggil sa cyber libel ng Cybercrime Prevention Act of 2012, mabilis na tinumbok ni Ressa na labag sa freedom of the press at demokrasya ang sinapit nila ni Santos.

Mistulang pinangaralan ni Rodriguez ang mga taga-Rappler, sa pangunguna ni Ressa, sa ganitong mga kataga: “Instead of changing their ways and adhering to the fundamental tenets of fair journalism and balance news against the entire Marcoses in their vain attempt to dilute the serious credibility issue that greatly impacted on their worthiness.”

Ipinunto ni Rodriguez na mali ang praktis ng Rappler sa pagsusulat at paglalahathala ng mga istoryang katulad ng pagkonekta kay BBM sa Cambridge Analytica.

“The timing of this [supposed decision of BBM on Cambridge Analytica] story is nothing more than a marketing ploy meant to drum up support for their beleaguered news blog site,” tugon ni Rodriguez.

Kinokunsulta na ni BBM ang kanyang mga abogado upang ipaglaban ang katarungan sa paninira ng Rappler sa kanya at kanyang pamilya.

Isa na riyan ang paghahain ng kasong libelo laban sa Rappler, sa pamumuno ni Ressa.(NELSON S. BADILLA)

211

Related posts

Leave a Comment