RETIRED COP TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA CAMSUR

ARESTADO ang isang retiradong pulis sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay San Francisco, Iriga City, Camarines Sur nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Richmond Ursus Turiano Bonnevie II, 45-anyos, retiradong Police Staff Sergeant.

Sa ulat ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group, IMEG Team 5, Camarines Sur Police Provincial Drug Enforcement Unit, Iriga City Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakumpiska mula sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 9.6 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱65,280, gayundin ang ginamit na buy-bust money.

Ayon sa IMEG, kabilang ang suspek sa mga mino-monitor na retiradong PNP personnel dahil sa impormasyong nag-uugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa bentahan ng ilegal na droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(TOTO NABAJA)

110

Related posts

Leave a Comment