RETIRED LGU ACCOUNTANT PATAY SA AMBUSH

LAGUNA — Patay sa pananambang ang 63-anyos na dating city accountant sa Biñan City Laguna kaninang tanghali.
Natukoy ni Biñan City police chief Lt. Col. Giovanni Martinez ang biktimang si Virgilio Dimaranan, ng South City Homes, Sto. Tomas, Biñan City, Biñan.
Dating city accountant si Dimaranan sa lokal na pamahalaan ng Biñan bago ito nagretiro.
Naganap ang pananambang kaninang alas 12 ng tanghali sa Sitio Pag-asa sa Brgy. Sto.Tomas matapos dumalo sa isang meeting sa kanilang lugar nang bigla itong pagbabarilin ng armadong kalalakihan.
Inaalam na ng mga awtoridad kung may halong pulitika ang naging motibo ng mga salarin sa krimen.
Matatandaan na na-ambush sa Sta.Rosa City ang kanyang kaaanak na si Christopher Dimaranan na barangay chairman sa Brgy. Sto.Tomas ng naturang lungsod. (CYRILL QUILO)
148

Related posts

Leave a Comment