PINAGHAHANAP ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang 34-anyos na lalaki makaraang tangayin nito ang sasakyan ng kanyang amo sa Quezon City.
Sa inihaing reklamo ng negosyanteng biktima na si Robin Aris Go Chua, 31, ng Santiago St., Brgy. San Antonio, isinuplong nito sa Masambong Police Station 2 ang 32-anyos na suspek na si Ronel Nayle, residente ng Tanauan City, Batangas at stay-in driver ng pamilya Chua, na kumarnap umano ng sasakyan.
Nabatid na si Nayle ay dalawang buwan pa lamang na naninilbihan bilang driver sa mga Chua.
Batay sa report, alas-10:00 ng umaga noong Lunes (Agosto 16) nang utusan ng biktima ang driver na mamili sa isang grocery store sa Balintawak, gamit ang kanyang sasakyan na puting Hilux Revo (NBR 7608), model 2018.
Pero lumipas ang halos ilang oras ay hindi pa bumabalik ang driver sa tahanan ng negosyante kaya kinontak niya sa cellphone ang suspek pero hindi ito sumasagot.
Dahil dito, napilitan na ang negosyante na i-report ang ginawang pagtangay ng driver sa kanyang sasakyan. (JG TUMBADO)
196 