RHIAN INILANTAD ANG BAGONG DYOWA

(JULIET PACOT)

ISINAPUBLIKO na ng aktres na si Rhian Ramos ang bagong kasintahan at pamilyar sa publiko ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.

Yup, mga tsikadora sa Pinas! ang kasosyo lang naman at co-founder ng isang sikat na malaking beauty brand at marketing enterprise na Frontrow na si Sam Verzosa.

Sa naging tsika ni Rhian sa ginanap na GMA Gala Night nitong Sabado, kaswal niyang binanggit na may ka-date siya sa okasyon sabay turo sa isang lalaking nakatayo ‘di kalayuan sa Summit Photo Wall sa cocktails area.

“Sam is over there! Hi!” saad ng aktres na kumaway kay Sam.

May pagkakataong nag-pose rin sila bilang couple nang makunan sa red carpet area.

Inusisa si Rhian kung matatawag bang “new relationship” ang ugnayan ng aktres sa negosyante.

Nakangiting pag-amin ni Rhian, “Actually, I wouldn’t call it new. New in public maybe.”

Sumang-ayon din si Rhian na first appearance nila bilang couple ang pagdalo sa media-covered Gala Night ng GMA7.

Nitong Lunes, mismong si Sam ang nagbahagi ng ilang sweet photos na kuha mula sa Gala Night at pagkatapos ng party.

Ang huling nakarelasyon ng aktres ay ang Israeli boyfriend niyang si Amit Borsok.

Naghiwalay sila bandang September, 2020 at inamin noon ni Rhian na lubos siyang nasaktan sa break-up nila ni Amit.

Pero ngayon kita sa aura ng aktres na masaya sa karelasyon.

223

Related posts

Leave a Comment