PINANGUNAHAN ni Ricky Reyes, kinikilalang beauty innovator ng Pilipinas, ang grand opening ng Ricky Reyes Hair Clinic Fairview sa Quezon City noong Biyernes, Enero 16.
Ang kaganapan ay isinagawa sa pangunguna ng Kanishia Salon at dinaluhan ng mga may-ari ng klinika na sina Ms. Kanishia Santos at Ms. Flor Santos. Nakibahagi rin sa selebrasyon ang ilang kilalang personalidad sa industriya ng kagandahan at showbiz, kabilang si Miss Earth Liz Mabao, Bambi Fuentes, kilalang make-up artist ng mga bituin, at Ms. Joann Uy, franchisee ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Robinsons Mall Antipolo.
Dumalo rin sa okasyon ang mga personalidad sa fashion at hair styling tulad nina La Santos, fashion designer na si Ador Cardenas, at Cedrick Eliponga, pangkalahatang kampeon ng APHCA Hair Olympics 2025, kasama ang iba pang eksperto sa larangan ng kagandahan.
Nakiisa rin sa grand opening si Ms. Stephanie Aquino, pinuno ng Ricky Reyes Hair Clinic Franchising Department, bilang pagpapakita ng patuloy na pagpapalawak ng brand at ng kanilang adbokasiya sa inobasyon at kahusayan sa serbisyong pangkagandahan.
(J DOMENDEN)
71
