RIDER NALAGLAG SA BANGIN, PATAY

QUEZON – Patay ang isang liaison officer na papasok sa trabaho nang ang minamaneho nitong motorsiklo ay mahulog sa bangin sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa report ng Plaridel Police, maagang umalis ng kanyang bahay ang biktimang si Nelson Berdan, 32, sa Barangay Ilaya, Plaridel, para bumiyahe pa-Maynila patungo sa kanyang trabaho,, nang mangyari ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling araw sa barangay road, hindi pa kalayuan sa kanilang bahay.

Nag-overshoot umano sa kalsada ang motorsiklo ng biktima sa kurbadang bahagi kaya nawalan ito ng kontrol.

Dumulas ang motorsiklo at dumiretso sa may 15 metrong lalim na bangin kasama ang kanyang motorsiklo at bumagsak sa ilog.

Grabeng napinsala ang ulo at katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay. (NILOU DEL CARMEN)

155

Related posts

Leave a Comment