HINDI na naisalba ang buhay ng isang lalaking rider nang bumangga sa kongkretong pader sa southbound lane ng tulay ng Zamora Interlink sa Barangay 865, Pandacan, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ang biktimang si Wilbert Chan, nasa hustong gulang, ng Ducos St., Quiapo, Manila.
Batay sa ulat ni Police Staff Sargent Allen Christian Camangon na isinumite kay Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang 1:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.
Ayon sa impormasyong nakarating kay Police Master Sargent Maximo Yabut mula sa tanggapan ng MDTEU, isang lalaking lulan ng motorsiklo ang bumangga sa pader.
Mabilis na isinugod ang biktima sa Sta. Ana Hospital subalit dakong 3:10 ng madaling araw ay ideklarang patay na ang biktima ni Dr.Yehya Abu Ajar, attending physician ng nasabing pagamutan
Hinihinala ng pulisya na inantok sa biyahe ang biktima o lasing ito nang mangyari ang aksidente. (RENE CRISOSTOMO)
212 