MAWAWALAN ng kinabukasan at hindi makaga-graduate ang mga estudyante ng Ateneo de Manila na nagbanta na hindi sila magsusumite ng academic requirements hangga’t hindi pinakikinggan ng pamahalaan ang demand ng mamamayang Pilipino para sa tamang calamity aid at pandemic response.
Nanawagan kasi ang mga estudyante ng naturang unibersidad ng mass strike laban sa anila’y “criminally neglectful response” ng pamahalaan sa kamakailan lamang na pananalasa ng mga bagyo.
Sa kalatas ng grupo ng mga estudyante ay nakasaad na nangangako silang iwi-withhold ang pagsusumite ng anomang school requirements simula Miyerkoles, Nobyembre 18.
“Babagsak po kayo dahil bilang isang dating propesor, kahit anong dahilan ang sinasabi niyong strike, ‘pag di kayo sumunod sa academic requirements, mawawalan kayo ng kinabukasan, ‘di kayo makaka-graduate sa Ateneo,” ang babala ni Sec. Roque.
Sa ulat, ayon sa university student publication na The Guidon, 581 estudyante ang lumagda sa deklarasyon.
“We believe that things cannot continue business as usual. We can no longer stomach the ever-rising number of deaths due to the state’s blatant incompetence. We cannot prioritize our schoolwork when our countrymen are suffering unnecessarily at the hands of those in power,” ang nagkakaisang pahayag ng mga estudyante.
“We strike in solidarity with the students who are victims of calamities and of COVID-19, who cannot be expected to catch-up with their studies within 3 to 5 working days. From the beginning, no student should have been left behind,” dagdag na pahayag ng mga ito.
Sinabi rin ng grupo na maraming Ateneans ang kabilang sa typhoon response.
“On top of their responsibilities, these students have gone the extra mile to help our fellow Filipinos,” ang nakasaad sa The Guidon. (CHRISTIAN DALE)
251 