IMBENTO!
Ganito inilarawan ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa paghahambing na ‘warlike’ ang hearing ng Senado sa vaccination program.
“I wonder if Sec. Roque watched the hearing for 9 hrs. Tell me when, what time and who was war-like or even was shouting to any of the resource persons. Imbento!” giit ni Sotto.
Sinabi ni Sotto na sa haba ng hearing ay wala siyang matandaaang pagkakataon o kahit sinong senador na nagtaas ng boses sa mga resource person.
“I painstakingly stayed for the entire duration and I do not recall any senator to be warlike. Perhaps argumentative but not warlike. Why? Does he expect us to treat our resource persons with tender loving care?” diin pa ni Sotto.
Tiniyak naman ni Sotto na nagtutulungan ang Executive Department at ang Senado upang balangkasin ang programa nang maayos para sa kapakanan ng taumbayan.
“The exec dept and us are both looking for what is for the greater good of the people! So he should not drum up situations that never happened,” diin pa ng Senate President.(DANG SAMSON-GARCIA)
