‘Royal Highness’ hinamon mag-hospital duty ng 24-oras BOYCOTT VILLAR! – NETIZENS

BUGBOG-SARADO ang inabot ni Senador Cynthia Villar nang magsanib-pwersa ang mga celebrity at netizens sa pagbatikos sa anila’y pagiging insensitive ng una at pagiging taklesa.

Nairita ang netizens sa sagot ni Villar sa isang radio interview kaugnay ng kahilingan ng medical community kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa enhanced community quarantine ang

National Capital Region dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Tugon ni Villar, hindi maaaring ibalik sa ECQ ang Metro Manila dahil lubhang mahihirapan ang ekonomiya sa halip, pagbutihin na lamang nila ang kanilang pagtatrabaho.

Kasunod nito ang kaliwa’t kanang batikos sa senador sa social media. Sa post ng aktor na si Enchong Dee, sinabi nitong “Insensitive. Out-of-Touch. Billionaire” patungkol kay Villar.

Si Jake Cuenca naman ay nag-post ng: “Maam wag natin [balewalain] ang trabahong ginagawa ng mga health care workers natin, sila nga ang nagbubuwis buhay para satin lahat ngayon [pandemya].

Dapat silang pasalamatan.”

Mahabang litanya naman ang post ng aktres na si Jennylyn Mercado na tila pinayuhan pa si Villar “to be better since health workers are heroes who deserve better”.

Samantala, hindi nagpahuli ang hanap ng mga doktor at iba pang medical health workers sa pagbatikos sa senador.

Sa Instagram post ng UERMMMC batch 80 sa katauhan ni Dr. Raul Quillamor, past president of POGS, tinawag nito si Villar na Her Royal Highness at sarkastikong humingi ng paumanhin.

“We the frontliners, would like to extend our sincerest apologies to HER ROYAL HiGHNeSS, THEMOST HONORABLE SENATOR CYNTHIA ViLLAR for not being able to do our jobs as doctors,nurses, and Health Care Workers! So sorry Madame! We promise to do better (pray tell us how!!!!) to fight this pandemic. We will expose ourselves more to those who are sick so that they will be healed, never mind if we ourselves get sick. We will care for them, and for you too if you get sick of covid 19 so that they, and you will not die, never mind if we ourselves die. We promise to follow whatever you want us to do – “pagbutihin nila trabaho nila. He he he” . We will certainly do that your ROYAL HiGHNESS! Nahihiya na po talaga kami sa inyo. We have been remiss in our duties and obligation as doctors and nurses, (naka strike 2 na rin po pala kayo sa nurses – remember your comments about them before? ) Please Madame, include us in your prayers as you continue to enjoy the comforts of your home with your family. Our family is praying for us too, that we will NOT get sick; that at the end of the day, we are still physically, mentally and spiritually intact; and that we don’t give them the virus as pasalubong!

BOYKOT

Sa galit ng netizens, umapela silang iboykot ang mga negosyo ng pamilya Villar na kinabibilangan ng mga real estate at malls.

Nag-trending sa Twitter ang mga hashtag na “#BoycottCoffeeProject”, #CynthiaVillar24hHospitalDutyChallenge at #GawingPatabaSaLupaSiCynthia mula Sabado hanggang Linggo ng hapon.
Narito ang ilan sa mga post ng netizen sa nasabing mga hashtag: @lazzzyfechii Once in a lifetime experience din po ito para sa inyo Sen. Villar grab the opportunity #CynthiaVillar24hHospitalDutyChallenge @sendricaaa Never vote the Villar political dynasty again. The audacity of Cynthia Villar to invalidate the efforts of frontliners after taking lands from farmers & disrespecting the researchers.

You are not the one putting an end to this pandemic that is plaguing our country sooo Zipper-mouth face @Gabgrielle

Can we petition Cynthia Villar to shut up her mouth permanently? @jedyoung_

Come on, Mrs. Villar (Sorry for not using your position when addressing you, you’re not just worth my high regard)…I know you can do better than this. But I’m not buying your trashy elaboration on the issue. You’re insensitive, inhumane creature!

Payo naman ni  @tonyocruz,: Perhaps Senator @Cynthia_Villar could start to redeem herself by filing a bill for the immediate hiring of doctors and nurses to fill up the shortages in public hospitals nationwide. HCWs are overworked because public hospitals have fewer HCWs than actually needed to begin with.

Nauna rito, sinulatan ng Philippine Medical Association (PMA) si Pangulong Duterte upang ibalik sa

ECQ ang Mega Manila mula Agosto 1 hanggang 15 upang “makabalangkas” ng mas epektibong estratehiya ang mga doktor at iba pang frontliners laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inanunsiyo ito ni Dr. Jose Santiago, pangulo ng PMA, sa media ilang oras mula nang iparating ng nasabing samahan ang kanilang liham sa pangulo.

Idiniin ni Dr. Santiago na ang layunin ng 15-araw na ECQ ay “to recalibrate strategies against COVID-19”.

Kaugnay nito, kumalat din sa social media ang post na nagsasaad na “It will take 20 years to replace a fallen physician but only 3-6 years to replace a corrupt politician. Let’s save our doctors!

SIMBAHAN NAKIISA

Samantala, nagdesisyon ang Archdiocese of Manila na muling ipatupad ang ECQ protocol sa mga simbahang sakop nito sa loob ng dalawang linggo.

 

Sa utos ni Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, magsisimula ngayon, August 3, ang muling pag-lockdown sa mga simbahan kung saan lahat ng kanilang aktibidad ay gagawin munaonline.

Ito ay bilang suporta sa panawagang “time out” ng medical community. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

166

Related posts

Leave a Comment