RULING NG SC SA ISYU NG PAKIKIPAGTULUNGAN SA ICC HIHINTAYIN NG DOJ

IPINAUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Korte Suprema ang paglalabas ng ruling kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa pakikipagtulungan ng administrasyon sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw ito ng DOJ matapos ilabas ng ICC ang mga pangalan ng umano’y co-perpetrators ng dating pangulo sa kontrobersyal na war on drugs.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, sakaling maglabas ng arrest warrant laban sa mga nabanggit na indibidwal, hihintayin muna ng kagawaran ang magiging pasya ng Korte Suprema bago ito aksyunan.

Nilinaw ni Martinez na bagamat hindi na kasapi ang Pilipinas sa ICC, mayroon pa rin itong obligasyon sa international community, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Batay sa dokumentong inilabas ng ICC nitong weekend, kabilang sa mga pinangalanang co-perpetrators sina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go; mga dating Philippine National Police (PNP) Chiefs Vicente Danao, Camilo Cascolan at Oscar Albayalde; dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran; dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Isidro Lapeña; at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sa ngayon, kinumpirma ng DOJ na wala pang inilalabas na arrest warrant ang ICC laban sa mga nabanggit.

(JULIET PACOT)

2

Related posts

Leave a Comment