(WALLY PERALTA)
MALUNGKOT man at hindi nakarampa sa katatapos lang na Kapuso Thanksgiving Gala Night ay walang magawa ang aktor na si Ruru Madrid kundi panoorin na lang ang kaganapan sa live show online.
Isa sa dahilan kung bakit nalungkot ang aktor dahil hindi niya nagawang eskortan ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali. Kasalukuyan kasing nasa South Korea si Ruru kasama ang ilan pang mga Kapuso actor para sa taping ng Philippine version ng “Running Man.”
Hindi naman maitago pa ang labis na paghanga sa kagandahan ni Bianca noong gabi iyon kung saan ay nakasuot ito ng sequin-filled dazzling gown by Val Taguba inspired by Greta Garbo’s 1931 film Mata Hari matched with her diamond dripping headdress.
“Noong nakita ko na rin na naglalakad siya mag-isa, she was so beautiful. For me, mas kailangan niya ‘yung spotlight na iyon na mag-isa siya, na wala ako sa tabi niya,” saad ng bidang aktor sa seryeng “Lolong.”
May tsansang manalo ang loyal Lolong viewers sa bagong Lolong selfie contest na “Ready, Pangil, Smile.” Bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng Lolong at sundin ang instructions at mechanics para makasali.
223