UMALMA ang Russia sa mga puna ng ilang foreign health experts hinggil sa natuklasan nilang coronavirus vaccine na umano’y kulang sa clinical trial at mistulang nag-aapura para lamang
magpasikat.
Ayon kay Russian Health Minister Mikhail Murashko, “foreign criticism of Russian scientific breakthrough is completely unfounded and caused by competitive disadvantages in comparison to
Russia’s product”.
Hindi umano sila nakikipagkarera at hindi kailangan pulitikahin ang nilikha nilang COVID-19 vaccine na pakikinabangan ng milyong tao sa mundo.
Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Alexander Gintsburg, head ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology na “Russia’s coronavirus vaccine named “Sputnik V” is based on a well-researched scientific platform dating back decades.”
Ang nasabing platform na ginamit sa pagsasaliksik ng tamang bakuna ay produkto ng may 25 taong development for purpose of gene therapy, subalit sa pagtatapos ng taong 2014 ay ginamit ito
para lumikha ng gamot para labanan ang mga mabilis magbagong virus.
Ito rin umano ang platform na ginamit sa pagtuklas ng vaccines laban sa Ebola, MERS (Middle East Respiratory Syndrome) at iba pang mga sakit.
Una rito ay nagbabala si US Health and Human Services Secretary Alex Azar hinggil sa bagong Russian-made COVID-19 vaccine dahil sa kawalan umano ng transparency sa isinagawang clinical
trials bago ang government approval.
Binigyan ng Russian government ng go signal ang kanilang Sputnik V vaccine na kanilang ipinagmamalaking kauna-unahan sa mundo na panlaban sa novel coronavirus na nakahawa na sa
mahigit 2.2 milyon tao at mahigit 740,000 na ang namatay.
Samantala, sa Pilipinas tahimik na inaprubahan ng Food and Drug Administration ang traditional Chinese medicine na Lianhua Qingwen capsule.
Ang Lianhua ay ginagamit sa China bilang panggamot sa mga mild at moderate case ng COVID-19. (JESSE KABEL)
