Sa Araw ng mga Puso PULISYA SA BATANGAS NAG-ALAY NG DUGO

UMABOT sa 160 bags ng dugo ang nakolekta mula sa mga pulis ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sa mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang sibilyan sa isinagawang mobile blood donation noong Huwebes, Pebrero 11.

May temang “Alay na Dugo sa Araw ng mga Puso” ang programang ito na handog ng Batangas Provincial Blood Council at Soroptimists International Batangas Downtown.

Sambit ni Police Col. Rex Malimban, provincial director ng Batangas PPO, “Isang simple ngunit makabuluhang gawain mula po sa inyong mga public servants na lagi pong naririto at handang maglingkod at magliligtas ng mga buhay”.

Panawagan din niya, “Hindi hadlang ang kasalukuyang sitwasyon upang maisagawa ang ganitong uri ng gawain kaya kami ay nananawagan rin po sa ating mga kababayan na nais mag-donate ng dugo, maaari po kayong makipag-ugyanan sa PRC Batangas Chapter sa pamamagitan ng mga sumusunod na numero: 0917-135-6219 at 0917-773-4912”. CYRILL QUILO)

 

265

Related posts

Leave a Comment