(JULIET PACOT)
EMOSYUNAL ang beterana at award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa engagement ng panganay na anak kay Eat Bulaga host Maine Mendoza.
Isa si Sylvia sa pinakamasaya sa proposal ng anak na si Congressman Arjo Atayde kay Maine na malapit nang ikasal matapos ang tatlong taon at pitong buwan nilang relasyon bilang magkasintahan.
Sa Instagram ng beterana, sinabi nito na dinuduyan pa rin siya sa alapaap. Labis ang kilig na naramdaman sa kanyang post. Hayagan nitong ipinangako na mamahalin at kakalingain niya bilang tunay na anak si Maine.
“Finally!! Welcome to the family, Maine (heart emoji). Thank you for loving my son. Love you Nak.”
Bumuhos naman sa comments section ang papuri ng ilang celebrities sa pagiging mapagmahal na ina ng aktres.
205