Sa live fire drills sa South China Sea REKLAMO NG PINAS DINEDMA NG TAIWAN

HINDI pinansin ng Taiwan ang reklamo ng Pilipinas ukol sa live fire drills sa paligid ng Taiwan-controlled island deep sa South China Sea.

Para sa Taiwan, may karapatan silang gawin ito at palagi naman silang nagpapalabas ng warning o babala kapag nagsasagawa ng kanilang pagsasanay.

Sa naging mensahe ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas sa Twitter nitong Martes, ipinahayag nito ang malakas na pagtutol sa aktibidad na itinuturing nitong ilegal.

Ipinahayag ng Pilipinas ang pagtutol nito sa mga ilegal na aktibidad na ginagawa ng Taiwan gaya ng “unlawful live fire drills” sa paligid ng isla, na mas kilala bilang Itu Aba.

Nito lang nagdaang Hunyo 28 hanggang 29, sinabi ng DFA na ang aktibidad sa paligid ng Ligaw Islands ay nakapagdudulot ng pag-aalala at ginagawang kumplikado ang nasabing lugar.

Tinawag ng Taiwan ang nasabing isla bilang island Taiping habang Ligaw Island naman ang tawag dito ng Pilipinas.

Giit ng departamento, ang isla ay pag-aari ng Pilipinas.

“This illegal activity raises tensions and complicates the situation in the South China Sea,” ayon sa DFA.

Para sa Pilipinas, labag sa batas ang ginawang live fire drills ng Taiwan sa Ligaw Island na sinasabing nagpataas ng tensyon Sa South China Sea partikular sa Spratlys Island.

Hayagan ang pagtutol ng Pilipinas dito dahil ang Ligaw Island ay parte ng Kalayaan Island Group na nasa teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi naman ng foreign ministry ng Taiwan sa isang kalatas na ang isla ay bahagi ng teritoryo ng Republic of China – pormal na pangalan ng Taiwan at ginagawa lamang ng mga ito ang mga bagay na naaayon sa international law.

“Our country has the right to conduct routine exercises on Taiping Island and related maritime areas. In order to ensure the safety of maritime traffic and fishing boats operating in adjacent maritime areas, we notify the relevant regional countries in advance before each live-fire drill,” ayon dito. (CHRISTIAN DALE)

242

Related posts

Leave a Comment