Sa massacre sa siyam na magsasaka HEPE NG KABACAN PNP SINIBAK

NORTH COTABATO – Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang nag-request kay North Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na pansamantalang i-relive sa pwesto si Kabacan PNP

Chief of Police Major Peter Pinalgan, iniulat ngayong Biyernes.

Ito’y upang bigyang daan ang isasagawang independent and impartial investigation sa nangyaring pagpatay sa siyam katao na tinaguriang USM massacre.

Hakbang na rin ito upang walang mangyayaring cover-up sa panig ng PNP.

Nauna rito, sinasabing mga pulis umano ang nasa likod ng nasabing pamamaril at upang hindi mabahiran ng pagdududa ay pansamantala munang alisin sa kanyang sa pwesto si Pinalgan.

Una nang lumabas sa pahayag ng Commision on Human Rights 12, na isang uri ng extrajudicial killing ang nangyari sa siyam na mga biktima na kagagawan umano ng mga pulis.

Ngunit nilinaw ng alkalde na performing police officer si Pinalgan at ikinalungkot nito ang pansamantalang pagpapaalis sa pwesto.

Sa ngayon ay wala pang kapalit si Pinalgan. (BONG PAULO)

124

Related posts

Leave a Comment