ISANG COVID-19 patient ang namamatay sa Valenzuela City kada araw simula nang pumasok ang Disyembre, ayon sa pinakabagong ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Dakong 11:59 ng gabi noong Nobyembre 30 ay 991 pa lamang ang COVID death toll sa lungsod, ngunit pagsapit ng 11:59 ng gabi noong Disyembre 11 ay 1,002 na ang pandemic fatalities sa lungsod.
Mula naman sa 47,889 ay sumipa sa 48,087 ang cumulative confirmed cases o 158 ang nahawa, habang lumamang lang ng isa ang bilang ng gumaling na 159, na mula 46,797 ay naging 46, 956.
Bumaba naman sa 89 ang active cases mula dating 101. (ALAIN AJERO)
216
